V. Reyes

Jan 17, 2020

Ayaw umalis ng bahay.. Mga pasaway sa Taal, walang rasyon

Nagbanta na si Mayor Fulgencio Mercado na hindi bibigyan ng rasyon ng pagkain at tubig ang mga magmamatigas na ayaw umalis sa kanilang mga bahay sa Taal, Batangas.


 
“Walang pagkain na ibibigay... pagod na kami. Sayang ang effort kapag may nangyari na casualty. Sayang ang effort ng bawat isa... wala nang rescue na aasahan, ire-rescue naman namin ang sarili namin bago sila, wala tayo magagawa,” ani Mercado.


 
Puwersahan na ang ginagawang paglilikas sa mga residente lalo na ang malapit sa bulkan. Nais makatiyak ng lokal na pamahalaan na walang magbubuwis ng buhay.


 
Sumunod naman agad ang mga residente dahil alam din nila na delikado na ang sitwasyon.


 
Parami nang parami ang mga pagbitak ng lupa sa Bypass Road sa Taal. Hindi lang basta bumitak, umangat pa ang kalsada.

    0