Isko Moreno

Jan 16, 2020

Tulong-pinansiyal sa mga opisyal ng barangay sa Maynila, ipinamigay na

Isko Moreno / Iskor

Nagkaroon tayo ng distribusyon ng financial assistance mula sa lokal na pamahalaan para sa mga opisyal ng barangay ng Districts 4, 5 at 6.


 
Kaya naman, hinihikayat natin ang mga opisyal na gamitin sa mabuti ang perang inilaan sa kanila ng lokal na pamahalaan.


 
Nakikiusap din tayo na sabihan ang mga nasasakupan ng mga ito na walang dapat ipangamba dahil mayroong gobyerno ang Maynila na handang umalalay sa mga ito.


 
◘◘◘


 
Nagpapasalamat tayo sa pagdalaw ng iginagalang at kaibigan nating si Bohol Governor Arthur Yap at kanyang mga opisyal sa Lungsod ng Maynila nitong nakaraang araw.


 
Matagal na nating kakilala si Gov. Art at natutuwa ako na minabuti nilang dumalaw at kumustahin tayo kahit alam nating busy sila masyado. Dumayo pa ito galing sa napakalayong probinsiya ng Bohol.


 
Salamat, Gov. Art at ang mga Boholanons!


May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa ISKOr ni Isko Moreno, BULGAR Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa iskor@bulgar.com.ph

    0