BRT

Jan 16, 2020

Tulong daw ng gobyerno.. Mga biktima ng Taal, pauutangin

Tiniyak ng pamahalaan ang tulong na matatanggap ng mga magsasaka at mangingisda na apektado ng pag-aalburoto ng Taal Volcano.


 
Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na papayagan ang mga magsasaka at mangingisdang ito na makapag-loan sa gobyerno nang walang interest.


 
Sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Program, aabot ng hanggang P25,000 ang maaaring utangin ng mga magsasaka at mangingisda.


 
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, puwede itong bayaran ng hanggang tatlong taon na walang interest.

    0