Thea Janica Teh

Jan 9, 2020

Pagbabayad ng utang ng mga members ng GSIS, extended hanggang September, 2020

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Magandang balita para sa mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) dahil extended ang deadline ng application sa GSIS Program for Restructuring and Repayment of Debts (GSIS-PRRD) hanggang September 30, 2020!

Ang GSIS-PRRD ay ang one-time condonation at restructuring program para maayos at mabayaran ng mga miyembro ng ahensiya ang kanilang mga outstanding balance.

“Isinasaayos ng GSIS ang pag-recover at pagkolekta sa mga outstanding balance ng mga miyembro at sa mga loan na hindi na gumalaw.

Sa programang ito, binibigyan ng sapat na panahon ang mga miyembro at pensiyunado na makapagbayad ng kanilang loans at remaining balance ng hindi mabigat sa bulsa dahil installment,” bahagi ni GSIS Chairman and Acting President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet.

Kaya naman, inaanyayahan ng GSIS ang lahat ng kanilang mga miyembro at pensioners na may outstanding balance pa na mag-apply sa programang ito para walang penalty at installment pa na may 10% interest per annum.

Sakop ng GSIS-PRRD ang ilang service loans tulad ng Salary Loan, Restructured Salary Loan, Enhanced Salary Loan, Emergency Loan, Assistance, Summer One-Month Salary Loan, Member’s Cash Advance/eCard Cash Advance/eCard Plus Cash Advance, Conso-Loan, Emergency Loan, Home Emergency Loan Program (HELP); Study Now, Pay Later and Fly PAL, Pay Later Loan; Education Assistance Loan, Stock Purchase Loan; Policy Loan at GSIS Financial Assistance Loan (for DepEd Personnel).
 

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

    0