Levi Gonzales

Jan 2, 2020

Custom broker nagbaril sa ulo, todas

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ng isang Customs broker makaraang magbaril sa ulo sa Bgy. Balibago, Rosario, Batangas.


 
Batay sa imbestigasyon, nasa loob ng kanyang silid ang biktimang si ‘Pol’, 33, nang makarinig ng isang putok ang kaanak nito.


 
Bumulaga ang wala ng buhay na biktima na may tama ng bala sa ulo. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala mula sa cal. 40. Patuloy pa ang imbestigasyon sa motibo ng insidente habang wala namang nakikitang foul sa naturang pangyayari.

    0