Mylene Alfonso

Dec 10, 2019

Miss Philippines Gazini Ganados, pinuri ng Palasyo

Bagama’t, hindi pinalad na makapasok sa finals ng 2019 Miss Universe, pinuri pa rin ng Malacañang si Miss Philippines Gazini Ganados.


 
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na dahil sa maayos na naiprisinta ni Ganados ang Pilipinas sa prestihiyosong patimpalak na ginanap sa Atlanta, Georgia sa USA.


 
Sinabi ni Panelo na naipagmalaki at nagbigay ng kaluwalhatian si Ganados sa pamamagitan ng pagpapakita ng kakaibang ganda at talento ng isang Filipina.


 
“The Palace lauds Miss Philippines Gazini Ganados for representing our country well in the Miss Universe Pageant in Atlanta, Georgia, USA,” ani Panelo.


 
“Ms. Ganados has given pride and glory to the Filipino nation by showcasing the unique beauty and talent of the Filipina,” dagdag pa nito.


 
Ang karanasan umano ni Ganados sa Miss Universe ay tiyak na makadaragdag sa kanyang development bilang beauty queen.


 
Hangad aniya ng Palasyo ang lahat ng kabutihan ni Ganados para sa iba pang susuungin nito sa buhay.


 
Nabatid na nasa Top 20 lamang si Ganados at hindi na nakapasok sa Top 10 finalists.
 

    0