Gina Pleñago

Dec 8, 2019

Bawas-presyo sa gas

May napipintong pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo na ipatutupad sa susunod na linggo.


 
Sa abiso ng Petron Corporation, posibleng bumaba ng P0.30 ang kada litro ng gasolina, P0.10 sa diesel at P0.30 sa kada litro naman ng kerosene.


 
Kamakailan, nang magpatupad ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na nasa P0.30 kada litro sa gasolina; P0.65 sa diesel at P0.50 naman kada litro sa kerosene.


 
Ang napipintong pagbaba sa presyo ng petrolyo ay kaugnay sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

    0