Jeff Tumbado

Dec 6, 2019

Dagdag-incentive sa nakasungkit ng ginto sa SEA Games, aprub

Photo: 2019 Sea Games (left)

Ipinasa na sa House of Representatives ang House Resolution No. 568 ng mismong Speaker nito na si Alan Peter Cayetano at iba pang mga lider ng Kongreso para pagtibayin ang pagbibigay ng karagdagang insentibo at benepisyo sa mga atletang Filipino, partikular sa mga nakasungkit ng gintong medalya ngayong 30th Southeast Asian Games.


 
Bukod sa ibinibigay na insentibo na ipinagkaloob ng batas, ang Philippine Olympic Committee (POC) sa pangunguna ni Cavite 8th District Rep. Abraham Tolentino ay una nang nakapag-ambag ng karagdagang pabuya sa mga Filipino gold medal winner.


 
Kasama ni Cayetano bilang kanyang mga co-authored sa paghahain ng resolusyon sina Deputy Speakers Paolo Duterte, Propero Pichay, Jr., Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez, Committee on Accounts Chairman Rep. Abraham Tolentino at Committee on Youth and Sports Development Chairman Eric Martinez, ng Ikalawang Distrito ng Valenzuela City.

    0