Pabs Hernandez III

Dec 4, 2019

14 NPA, sumuko sa mga Bgy. officials

CAGAYAN — Labing-apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko kamakalawa sa mga barangay officials sa Bgy. Balanni at Bgy, Lipatan sa nasabing bayan.

Para sa kanilang seguridad, hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong rebelde.

Kaagad itinurnover ng mga barangay officials ang 14 rebelde sa Cagayan Police Provincial Office (CPPO).

Ayon sa mga rebelde, nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa pamahalaan.

    0