Maestro Honorio Ong
Dec 3, 2019
Maestro Honorio Ong
Katanungan
1. Makapag-aasawa pa kaya ako kahit isa lang ang Marriage Line sa aking mga palad at alam kong nangyari na ‘yun nang ma-in love ako sa lalaking may asawa na noong ako ay nasa college pa?
2. Napapaisip ako kung makapag-aasawa pa ako sa edad kong 39. Ano sa palagay ninyo?
Kasagutan
1. Para masabing hindi na makapag-aasawa ang tumatandang lalaki o babae na tulad mo, ‘yun bang kapag kumurba paitaas ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad at pagkatapos ay ikinulong ang lagda sa malaking bilog o sadyang binurara o binaboy ang pirma.
2. Ngunit nakita mo naman, hindi nakakurba o nakatingala sa langit ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, bagkus, diretso at maganda naman ang nasabing guhit (arrow b.). Ibig sabihin, basta pinuwersa mo ang tadhana sa iyong layunin o kagustuhan na
makapag-asawa, walang magagawa ang langit kundi ang pag-asawahin ka.
3. Pansinin mo rin ang iyong pirma, bagama’t, maliit lang ito, hindi naman ito nakakulong sa bilog at naburara. Ibig sabihin, malaki ang tsansa na makapag-aasawa ka pa basta mula ngayon ay lakihan mo ang pagkakasulat ng iyong pirma at palagi kang magsusuot ng kulay pula o berde.
4. Sa kulay na nabanggit at kapag nilakihan mo ang iyong lagda, lalo na ang lower loop o ang lower zone ng letrang “g”, hindi imposible ang magaganap sa 2021 sa edad mong 41 pataas, makapag-aasawa ka pa at habambuhay na magiging maligaya.
Dapat Gawin
Ayon sa iyong mga datos, Lara, tiyak ang magaganap, sa 2021 sa buwan ng Oktubre o Disyembre sa edad mong 41 pataas, makapag-aasawa ka pa at magkakaroon ng simple pero masayang pamilya na hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra (Drawing A. at B. h-h arrow c.).