Pabs Hernandez III

Dec 1, 2019

Bomba natagpuan sa highway

Maguindanao—Isang bomba ang natagpuan ng mga residente kamaka­lawa sa gilid ng national highway ng Bgy. Lower Tambu­nan Dos, Guindulungan.

Ang uri ng bombang natagpuan ay IED o improvised explosive device na gawa sa 81 mm mortar projectile, 40 mm high explosives, blasting caps at cellphone.

Nabatid na ilang resi­dente ang nakatagpo sa bomba at agad nila itong ini-report sa mga awtoridad na agad nagresponde sa lugar.

Nasa pangangalaga na ng 3rd Explosive Ordance Disposal Team ng Philippine Army (PA) ang naturang bomba.

Patuloy ang imbestigas­yon ng mga awtoridad upang malaman kung anong grupo ng mga rebelde ang nagtanim ng bomba sa naturang lugar.

    0