VA

Nov 17, 2019

Pons at Rondina, nanggiba

Photo: Abs-cbn Sports

Pinayukod nina Sisi Rondina at Bernadeth Pons ang Hong Kong pair nina Au Yeung Wai Yan at Koo Yung Yung, 21-17, 21-18, upang sumulong sa susunod na round ng 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open kahapon sa Sands SM By The Bay.

Dahil sa panalo, nakumpleto ng pambato ng bansa sa darating na 30th SEAG ang 3 -game sweep ng kanilang Pool A matches para magkamit ng quarterfinals berth sa torneong inihahatid ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc., sa pakikiisa ng Beach Volleyball Republic. Nauna rito, tinalo nina Rondina at Pons, 21-10, 21-9 ang pareha ng Kasem Bundit University of Thailand 2 nina Paweena Wong-Aksorn at Duanpen Arsa.

Winalis din ng isa pang SEAG bound Philippine team nina Dij Rodriguez at Dzi Gervacio ang kanilang Pool games pagkaraan ng 21-18, 21-16 tagumpay nila kontra New Zealand duo nina Renei Ursem at Olivia MacDonald.

    0