L. Abenales

Nov 16, 2019

Senado muna bago showbiz.. Bong rumesbak kay Bato

Binuweltahan ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr., ang kanyang mga kritiko kasabay ng kanyang pagdepensa sa pagbabalik niya sa telebisyon.


 
“Haters are going to hate, and bashers are going to bash,” ani Revilla.


 
“The truth is out there and it is their choice to side with lies and falsehood. Sino ang may problema? Not me,” ani Revilla.


 
Ayon sa senador, isang marangal na trabaho at hindi labag sa batas ang pagiging isa umanong celebrity.


 
Samantala, kinatigan din nito ang naunang pahayag ng kanyang kasamang si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na nagsabing prayoridad nito ang trabaho niya bilang mambabatas at alam niya ang kanyang mandato sa taumbayan.


 
“I am first and foremost a legislator. I know my mandate,” ani Revilla.


 
“Tama si Sen. ‘Bato’, alam ko ang priority ko. I have and will always put my commitment to the Filipino first,” ani Revilla.


 
“Records will bear how I fulfilled my mandate in my previous terms, and the almost six months of my work in Senate now will speak for itself,” ani Revilla.
 

 
Nakatakdang magbalik ang senador sa telebisyon sa pamamagitan ng isang child-oriented program sa GMA-7.

    0