MC

Nov 16, 2019

NU, habol ang 6th crown sa UAAP Cheerdance Competition

Photo: NU Pep Squad

Dalawang koponan na lang ang natitira sa UAAP Season 82 Men’s Basketball, ngunit bukas na ang laban sa 2019 UAAP Cheerdance Competition, na mapapanood ng live mula sa Mall of Asia sa Linggo (Nob.17)


 
Nangunguna ang defending champion na National University (NU) Pep Squad, na nais masungkit ang kanilang ika-anim na korona sa collegiate cheerdance.


 
Hindi naman magpapatalo ang mga kalaban nilang Far Eastern University (FEU) Cheering Squad at Adamson University (AdU) Pep Squad, na pumagalawa at pumangatlo noong 2018 at ang paborito ng fans at karibal nila sa cheerdance na University of Santo Tomas (UST) Salinggawi Dance Troupe at University of the Philippines (UP) Pep Squad na mapapanood ng 2 p.m. sa ABS-CBN S+A at iWant.


 
Nariyan din ang De La Salle University (DLSU) Animo Squad, Ateneo De Manila University (ADMU) Blue Babble Battalion, at University of the East (UE) Pep Squad, na kapwa nagsigalingan na rin kung saan pumangatlo pa ang UE noong 2017.


 
Bukod sa pagiging kampeon, nakalaan din ang P50,000 sa Champion, P30,000 sa 1st Runner-up, at P20,000 sa 2nd Runner-up.


 
Mauunang magtanghal ng kanilang talento at school spirit ang DLSU, na susundan ng UE, UP, ADMU, FEU, AdU, UST at NU. Sasali rin lahat sa Group Stunts competition bukod sa Ateneo.

    0