Madel Moratillo

Nov 16, 2019

Angkas driver at call center agent sumalpok sa van

Sugatan ang isang driver ng motorcycle ride app na Angkas at pasahero nito na isang call center agent matapos bumanga sa isang closed van sa EDSA-Shaw underpass sa Mandaluyong kahapon ng madaling-araw.


 
Ang aksidente ay naganap sa southbound ng EDSA-Shaw underpass pasado alas-3:00 ng madaling-araw.


 
Nadamay din sa naturang aksidente ang isang SUV na ligtas naman lahat ng sakay.


 
Nabasag lamang ang windshield ng SUV.


 
Agad namang nadala sa pagamutan sa Mandaluyong City ang dalawang biktima.


 
Nagdulot naman ng pagsikip sa daloy ng trapiko sa EDSA ang nasabing aksidente.

    0