Roma Amor

Nov 14, 2019

Nasasakal na sa dominanteng BF na palpak naman ang mga plano

Dear Roma,
 

 
Ako si Tess, 22-anyos. May boyfriend ako at magtatatlong taon na kami. Sumulat ako sa inyo dahil pakiramdam ko ay wala akong boses sa relasyon namin, gayundin, nasasakal na ako dahil siya ang palaging nasusunod sa amin na minsan ay nagiging dahilan ng aming pag-aaway, lalo na kapag palpak ang mga plano niya. Dahil du’n ay nagkakalabuan na kami at napapako na rin ang mga pangako niya. Ano ang gagawin ko? – Tess

Tess,
 
Sabi nila, ang sikreto sa magandang relasyon ay komunikasyon. Kung pakiramdam mo ay siya na lang ang nasusunod at parang nawawalan ka ng karapatang magsalita, ipaalam mo sa kanya dahil hindi nakatutulong sa relasyon ang pagiging one sided. Ipinapayo namin na pag-usapan n’yo ito dahil minsan, ang ganitong problema ang nagiging simula ng pagkasira ng relasyon. Pakinggan ang opinyon ng isa’t isa, saka solusyunan ang problema. Huwag kayong susuko, okay? Good luck!

    0