Madel Moratillo

Nov 13, 2019

Magkukonek sa Quezon City at Bulacan.. MRT-7, 50% nang tapos

Nasa halos 50 porsiyento na umanong tapos ang konstruksiyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).


 
Sa ngayon, nagsasagawa na umano sila ng civil works sa underground/depressed, at-grade at elevated guideway.


 
Puspusan na rin ang kanilang civil works sa siyam sa kabuuang 14 na istasyon nito.


 
Tuloy din anila ang track works installation sa naturang proyekto.


 
Sinabi ng DOTr na sa sandaling makumpleto ang proyekto sa taong 2021, ang 22-kilometrong MRT-7, ang siyang magkokonekta sa Quezon City at San Jose del Monte sa Bulacan at pabalik.


 
Malaki anila ang maitutulong ng naturang rail line sa pagpapaikli ng biyahe sa naturang ruta, na aabutin na lamang ng 35-minuto, mula sa kasalukuyang 2 hanggang 3 oras.

    0