BULGAR

Sep 12, 2019

Sey ng experts, bukod sa kanser sa baga... Polusyon sa hangin, sanhi ng pagkabayolente!

Jersey Sanchez / Gulat ka 'noh?!

Alam ng kara­mihan sa atin na ang exposure sa mataas na antas ng polus­yon sa hangin ay nagdu­du­lot ng respiratory in­fection, sakit sa puso, stroke, kanser sa baga, de­mentia at Alzheimer’s di­sease. Pero, base sa mga ba­gong pag-aaral, ang polusyon sa hangin ay hin­di lamang nakaa­apekto sa kalusugan kundi maging sa pag-uugali natin. Sey ng experts, maaari itong maging sanhi ng pag­kabayolente ng mga tao.

Base sa pag-aaral na isinagawa sa 9,360 siyudad sa US, napag-alaman na tu­mataas ang krimen dahil sa polusyon sa hangin. Nati-trig­ger umano ng polluted air ang anxiety ng indibid­wal na nagreresulta sa pag­taas ng unethical behavior.

Gayundin, may isa pang pag-aaral sa UK na sumu­suporta rito. Ikinumpara ng mga resear­cher ang data ng 1.8 milyong kri­men at pol­lu­tion data ng Lon­don sa loob ng dalawang taon. Kabilang sa ina­na­­lisa ng mga re­sear­cher ang tem­pera­ture, hu­mi­dity at rain­fall, ga­yundin ang ba­wat araw at iba’t ibang season.

Ang air qua­lity index o AQI ang nagsasabi kung gaano kalinis o ka­rumi ang ha­ngin kada araw. Napag-alaman ng mga researcher na kapag tumaas sa 10-point ang AQI, tu­mataas din ang crime rate nang .9%.

Gayunman, ang an­tas ng krimen sa London ay mas mataas sa mga araw na ma­taas din ang polusyon.

Ang mga resultang ito ay may kaugnayan sa pagtaas ng krimen tulad ng shoplif­ting at pandurukot. At maa­ari umano itong dumami at mauwi sa mas seryosong kri­men kung patuloy na ta­taas ang antas ng polusyon.

Ito ay dahil ayon sa mga eksperto, nakaiimpluwen­siya rin sa ugali ng indibid­wal ang lipunang ginagala­wan nito.

Halimbawa nito ang ‘broken window theory’.

Isa itong criminological theory kung saan kapag na­kikita umano ng mga tao ang senyales ng krimen, anti-social behavior at civil disorder, nahihikayat ang mga ito na maging bayo­lente at gumawa ng krimen.

Samantala, ayon sa World Health Organization (WHO), siyam sa bawat sam­pu katao sa buong mun­do ang nakalalanghap ng toxic na hangin.

Bagama’t, marami nang patunay na ang maruming ha­ngin ay nakasasama sa ating physical at mental health, lahat tayo ay may da­pat ga­win para masigura­dong malinis ang hangin na nala­langhap natin.

Kabilang na rito ang pag­lalakad sa halip na gu­mamit ng sasakyan kung ma­­lapit lang naman ang pu­puntahan, hindi paniniga­rilyo at marami pang iba.

Mga besh, para hindi na tumaas pa ang bilang ng kri­men, make sure na gagawa tayo ng paraan para hindi tu­maas ang antas ng polusyon, ha? Copy?

    0