Jersey Sanchez

Sep 10, 2019

Hindi solusyon ang hiwalay agad... Tips para malagpasan ang pinagdaraanan ng magkarelasyon

MARAMING relas­yon na ang nauwi sa hiwa­layan dahil sa mga hindi kinakayang problema. Pero, ‘ika nga nila, ang pag­hihiwalay ay hindi so­lusyon kaya mahirap man, dapat natin itong so­lusyu­nan sa tamang paraan.

Gayunman, hindi porke may pinagdaraanan, eh, magkakaroon na kayo ng kani-kanyang mundo. Kaya mga besh, narito ang ilang tips para manatiling konek­tado sa inyong partner kahit kayo ay may pinagdaraanan:

1. MAKINIG SA ISA’T ISA. Kapag may pinagdara­anan kayo ng partner mo, hindi maganda na puro kayo salita at walang pinakiking­gan. Para manatiling konek­tado sa isa’t isa, dapat ka­yong maglaan ng oras para pakinggan ang opinyon ng bawat isa. ‘Yung tipong isa­santabi n’yo lahat ng galit, sum­batan at distractions para makapag-focus at malaman n’yo ang gustong sabihin ng bawat panig. Paraan din ito ng pagrespeto sa opinyon ng iyong partner.

2. HARAPIN ANG PROBLEMA NANG MAG­KASAMA. Ang problema sa karamihan, kapag may pinagdaraanan, naniniwala tayo na kalaban natin ang ating mga partner. Mga besh, mali ‘yun dahil dapat, harapin natin ang prob­lema kasama ang ating partner. ‘Ika nga, mas ma­daling masosolb ang proble­ma kung magkasama itong haharapin ng mag-partner.

3. BIGYAN NG ATENSIYON ANG SIT­WASYON. Habang luma­lala ang sitwasyon, mara­ming naaapektuhan. Be­shies, gaano man kalala ang inyong pinagdaraanan, ang pagbibigay ng atensiyon dito ay makatutulong. Paano? Ang pagpopokus sa sitwas­yon at posibleng epek­to nito sa relasyon ay makatutulong para mag-isip ng solusyon sa problema ang mag-partner.

4. MAGLAAN NG ORAS PARA MAG-USAP. ‘Ika nga nila, komunikasyon ang isa sa mga pinaka­mahalaga sa relasyon, lalo na kung may pi­nagdaraanan ang mag-partner. Hindi porke may hindi pagkakain­tin­dihan, hindi na kayo mag-uusap dahil mga besh, ito ang panahon kung saan mas kailangan ninyong mag-usap dahil hindi malulutas ang problema n’yo kung ma­nanatili kayong nagpapaki­ramdaman at nagpapata­asan ng pride. Sey ng ex­perts, mas mabuti nang mag-over communicate kaysa mag-under communicate. Copy?

5. GAMITIN ANG PAGKAKAIBA. Lahat ng tao ay may iba’t ibang per­so­nalidad at paraan ng pagre-react, pag-approach at pag­lutas ng problema. Sa halip na maging frus­trated kayo sa isa’t isa, gamitin ito bilang ad­vantage. Halimbawa, ang isa sa inyo ay may strong personality ha­bang ang isa ay wala. Don’t worry dahil pu­wede n’yo itong ga­mitin para mabalanse ang paglutas ng inyong pinagdaraanan.

Oh, mga besh, de­hins n’yo kailangang malayo sa isa’t isa dahil ka­pag may pinagdaraanan kayo, dapat ninyo itong so­lusyunan nang magkasama.

Tulad ng na­banggit, hin­di solusyon ang paghihi­walay kaya mga bro at sis, make sure to stay con­nected with each other gamit ang ilang tips na ito. Copy?

    0