Jersey Sanchez

Aug 24, 2019

Kenyan lumunok ng 68 pakete ng cocaine, buking

ARESTADO ng mga awtoridad sa Thailand ang Kenyan national na lumunok ng 68 pakete ng cocaine para maipuslit ito.


 
Kinilala ang suspek na si Glenn Chibasellow Ooko, 43, bumibiyahe mula Ethiopia patungong Suvarnabhumi Airport sa Thailand.


 
Nakita sa x-ray ang dose-dosenang hugis oblong sa tiyan ng suspek at nakumpirma ng mga awtoridad na cocaine ang mga ito kung saan aabot umano sa 1.2 kilos ang cocaine.


 
Bukod kay Ooko, dinakip din ang isang Nigerian national na nag-utos sa kanya na magpuslit ng droga.

    0