BULGAR

Aug 24, 2019

Bagong sibol na Team Liyab, 5 ginto ang target sa SEAG

BAGUHAN ang Philippine Esports sa medal sport sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games calendar, pero umaasa ito na makapagbibigay ng limang gintong medalya sa biennial event na nakaiskedyul sa Manila sa Nobyembre 30-Disyembre 11. “Napakalaki talaga ng chances natin na manalo sa Esports dahil magagaling ang players natin. Of the six gold medals at stake in the coming SEA Games, I think we can win five of them. I’m being realistic, kaya natin makakuha ng lima,” ayon kay Gerald Sobrepeña, Marketing and Player Development Manager ng Team Liyab Esports nang dumalo sa 36th “Usapang Sports” ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila na inayudahan din ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR at Community Basketball Association kamakalawa.


 
Apat sa top gamers ng bansa mula sa Team Liyab na sina Kevin Kio “Gambit” Dizon, Jeremiah “1717” Camarillo, Jervan Lorenzo “Bents” Delos Santos at Miguel Klarenz “Miggie” Banaag ang nagpahayag ng kanilang kumpiyansa hinggil sa kanilang tsansa na makapaghatid ng karangalan sa bansa sa millenial sports.


 
Ang apat na Team Liyab members ay napili bilang bahagi ng national training pool na Sibol para sa nalalapit na regional competition kung saan sasabak sila sa Arena of Valor (AoV) event ng Esports competitions. (MC)

    0