Pabs Hernandez III

Jan 3, 2019

Pusher dedo sa buy-bust

NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Balante, Gapan City sa lalawigang ito.

Nakilala ang suspek na si Rogelio de Joya, nakatira sa Bgy. Magsaysay Norte, Cabanatuan City.

Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si De Joya sa buy-bust operation, pero bigla umanong nanlaban at pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.

Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.

    0