BULGAR

Jul 14, 2020

2 miyembro ng K-pop group na iKON, napuruhan sa car accident

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 15, 2020

Nagtamo ng minor injuries ang dalawang miyembro ng Korean pop group na iKON na sina Ju-ne at Jinhwan matapos mag-crash ang sasakyan sa highway sa Namhae, South Gyeongsang Province ayon sa pulisya.

Isinugod sa ospital ang dalawang singers kasama ang non-celebrity na nagmaneho ng naturang sasakyan. Iniimbestigahan na ng awtoridad ang naturang driver matapos mapag-alamang uminom ito ng alak bago magmaneho.

Samantala, humingi ng paumanhin ang YG Entertainment na management company ng iKON. Anila, “We are deeply troubled and feel a grave sense of responsibility from the occurrence of such an accident. We sincerely apologize.”

    0