BULGAR

Mar 25

2 drug dealer, tiklo sa motel

@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 25, 2024

BACOLOD CITY -- Dalawang drug dealer ang naaresto sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa loob ng isang motel sa Brgy. 6 sa lungsod na ito.

 

Ang mga suspek ay nakilalang sina Christian Lachica at Jemuel Lucanilao, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira sa nabanggit na lungsod.

 

Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa loob ng isang hindi pinangalanang motel sa naturang lungsod.

 

Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 107 gramo ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.

 

Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

    0