BULGAR

Apr 15

2 bebot, timbog sa buy-bust

News @Balitang Probinsiya | April 15, 2024

Cavite — Dalawang babaeng drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Habay 1, Bacoor City sa lalawigang ito.

Ang mga suspek ay kinilala ng pulisya sa mga alyas na “Jica,” nasa hustong gulang at “Princess,” menor-de-edad, kapwa residente sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek nang pagbentahan nila ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang dami ng hinihinalang shabu na nakumpiska sa dalawang suspek. 

Nakapiit na si “Jica” sa detention cell, samantalang ang menor-de-edad na kasama nito ay nasa pangangalaga na ng Dept. of Social Welfare ang Development (DSWD).

    0