BULGAR

Sep 21, 2021

2,600 trabaho, alok ng Civil Service Commission

ni Jasmin Joy Evangelista | September 21, 2021

Mayroong 2,600 trabaho na iniaalok ang government online career fair (GOCF 2021) ng Civil Service Commission.

Katuwang ng CSC ang JobStreet sa pagbubukas ng online application sa mga bakanteng puwesto.

Ayon sa website ng CSC, dapat magparehistro sa registration link ang mga lalahok at ibigay ang e-mail address.

Kailangang magsagot ng personal data sheet ang registrant.

I-click ang "apply now" button sa website. Makikita ang iba't ibang ahensiya na nag-aalok ng mga trabaho sa kanilang main o kaya regional office.

Magbibigay naman ng abiso ang mga ahensiya sa email o text message ukol sa status ng application ng aplikante.

Sa mga interesadong mag-apply, maaaring mag-file ng online application sa jobstreet.com.ph at magpasa ng requirements sa virtual booths ng mga ahensiya.

    0