BULGAR

Jul 11, 2020

19 bagong kaso ng COVID-19 sa PNP, naitala

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 11, 2020

Umakyat na sa 1,063 ang bilang ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa COVID-19 ngayong July 11.

Ayon sa PNP, 11 ang bagong naitalang kaso mula sa National Capital Region Police Office, lima sa PNP Aviation Security Group at isa sa Camp Crame, Quezon City, Calabarzon police at Cordillera police.

Samantala, 470 naman ang naitalang miyembro ng PNP na naka-recover sa Covid-19. Wala namang bagong ulat na nasawi.

    0