BULGAR

Feb 27, 2023

12 arestado sa tupada

ni Benjamin Chavez | February 28, 2023


 
Inaresto ang 12 katao na nagtutupada sa Bgy. Macabling at Bgy. Malitlit sa Sta. Rosa City, Laguna.
 

Sa Bgy. Macabling, 9 katao ang hinuli nang magsagawa ng operasyon laban sa ilegal na sugal ang mga operatiba ng Intel ng Sta. Rosa City Police Station.
 

Kinilala ang mga inaresto na sina Jhon Nieves, Jodie Molera, Joven Barcala, Roland Palamos, Ariel Silang, Carlito Esquillio, Isidro Fomanes, Joemar Sta. Teresa at Richard

Nieves.
 

Nakumpiska ang dalawang tari, mga manok na panabong at taya na P4,500.
 
Tatlo naman ang naaresto sa Bgy. Malitlit, na kinilalang sina Carlito Rosario, Benjamin Ention at Ralph Jorvis Dondiego.
 

Nakumpiska ang dalawang panabong, tari at P1,100 na taya.

    0