Bawas-presyo sa gas

Gina Pleñago

02/11/20

NAGPATUPAD ng rollback sa mga produktong petrolyo ngayong umaga, Pebrero 11.

NAGPATUPAD ng rollback sa mga produktong petrolyo ngayong umaga, Pebrero 11.
Nagbaba ng kanilang produktong petrolyo ang Total Philippines, Pilipinas Shell, PTT Philippines, Chevron, Petron Corporation, Phoenix Petroleum Philippines, SeaOil at Petro Gazz ng P0.30 sa kada litro ng gasolina, P0.60 sa kada litro ng diesel at P1.40 sa kada litro ng kerosene na epektibo alas-6:00 ng umaga.
Nauna nang nagpatupad ang Phoenix Petroleum Philippines nitong Pebrero 8 na sinundan ng CleanFuel.
Ito na ang ikalimang bawas-presyo na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis.
Ang ipinatupad na rollback ay sanhi ng patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

  • hamburger icon blgr